Operation BAYANIhan

Tutulong ako
Kailangan ko ng tulong
Tulungan at damayan sa Alberta, Canada sa gitna ng Covid-19 pandemic.




Unsplashed background img 1


Ang website na ito ay hinabi sa pagtutulungan ng mga volunteers mula sa Philippine Emergency Response Task Force (PERT) at Filipinos Rising for Inclusion and Equity to Nurture Democracy (FRIENDS). Sa pamamagitan nito, inaasahan na:

group

Serbisyo

Makatulong sa mga kababayan natin sa Alberta na HINDI inabot ng tulong mula sa gobyerno at mga panlipunang serbisyo.

highlight

Impormasyon

Magbigay ng impormasyon kung papaano makakuha ng suporta mula sa gobyerno at iba pang mga ahensya.

link

Pakikipag-ugnayan

Magkaroon ng ugnayan ang ibat-ibang grupo at indibidwal sa pagharap sa mga problema na dulot ng COVID-19. Ang mga kwento ng ating mga kababayan kung paano tumutulong sa diwa ng BAYANIhan ay ibabahagi rin dito.

BAYANIHAN

Likas na ugali ng mga Pilipino na maging bayani sa isa’t isa. BAYANIhan ang ating tugon bilang komunidad laban sa COVID-19 pandemic.

Handa tayong tumulong sa anumang paraan. Malaking tulong ang kahit na anumang ambag.

Habang tayo ay namamalagi sa ating tahanan upang maiwasan ang pagkalat ng virus binibigyan tayo ng oportunidad na makatulong sa nangangailan.

Sa mga gustong tumulong

Ang website na ito ay magsisilbing tulay upang maipaabot mo ang iyong tulong.

Pindutin ang link o pusong icon upang magabayan ka sa proseso kung paano ka makakatulong

Sa mga kailangan ng tulong

Ang website na ito ay magsisilbing gabay upang makamit mo ang ayudang kailangan.

Pindutin ang link o kamay na icon upang malaman ang impormasyon kung paano makakamit ang tulong.

Makipag-ugnay

Ang website na ito ay maaari mo ring magamit, kung mayroon kang tanong, problema, at ibang bagay nais ipaabot.

Maaari mo gamitin ang nakalaang form sa website na ito o di kaya'y mag email sa info@filipinosrising.ca.

link