arrow_drop_down_circleSino-sino ang aming tinutulungan?
Mga pamilya at indibidwal na nasa mahirap na sitwasyon bago pa man dumating ang krisis
na ito. Marami sa kanila ay walang regular na trabaho/may limitadong kita, single parents, biktima ng
family
violence.
arrow_drop_down_circleAno ang maaari naming maitulong?
Naglalaan kami ng mahigit-kumulang $200 (cash or in kind) kada pamilya (depende sa
kanilang kalagayan) na makakatulong sa kanilang pangangailangan sa loob ng 2 linggo. Tumutulong din kami
sa iba pang isyu na kanilang kinakaharap.
Inuugnay din sila sa mga resources mula sa gobyerno at iba pang ahensya.
arrow_drop_down_circlePaano kami nakikipag-ugnayan sa kanila?
Ang PERT ay nakikipagtulungan sa FRIENDS at Migrante Alberta na siyang tumutulay sa mga
nangangailangan ng tulong. Nakikipag-ugnayan na rin sa amin ang ilang mga ahensya na hindi makapag-abot ng
tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan. Bilang karagdagan, may mga pamilya na rin at mga
indibidwal na buong tiwalang nakikipag-ugnayan na rin sa inisyatibong ating sinimulan.
arrow_drop_down_circlePaano ka makakapag-donate?
Anumang halaga ay malaking bagay para sa ating kababayan na higit na nangangailangan. Maaaring mag
e-transfer sa email address ng PERT: pertalberta@gmail.com. Kung kinakailangan mo ng charitable receipt
(minimum $25), maaaring i-donate ang halaga sa aming partner charitable institution, magpunta lamang sa
website ng ActionDignity at ilagay ang salitang “PERT” sa message box.
Tulad ng ating gawain noon pa, ang PERT ay maglalabas ng public accounting o pagtutuos ng lahat ng
donasyong natanggap. Kung mayroon kayong katanungan o dagdag na impormasyon na gustong malaman, mag-email
lamang sa info@filipinosrising.ca.