Check mo ang iyong sarili
Halaw sa COVID-19 SELF-ASSESSMENT ng Alberta Health Services


Paunawa

Ang self-assessment na ito ay para matulungan ka na alamin kung kailangan mong magpatest para sa COVID-19. Maaari mo ring tulungan ang iba kung di nila kayang gumawa ng self-assessment.

Ang resulta ng assessment na ito ay hindi magsasabi kung may COVID-19 virus ka. Ang COVID-19 test na ginagawa ng Alberta Health Services sa mga taong may sintomas ng virus, ang ang tanging makapagsasabi kung positibo ka sa virus.



Nakakaramdam ka ba ng alin man sa mga sumusunod:

  •  Sobrang hirap sa paghinga
  •  Sobrang pananakit ng dibdib
  •  Hirap sa paggising sa pagkakatulog
  •  Pagkalito (confused)
  •  Pagkawala ng malay



 Tumawag ka sa 911 o pumunta sa pinakamalapit na ospital!



Nakakaranas ka ba ng alin man sa mga sumusunod?

  •  Kinakapos ng hininga kahit walang ginagawa o namamahinga
  •  Hindi makahiga dahil sa hirap ng paghinga
  •  Nahihirapang i-manage ang matagal ng mga sakit dahil sa kasalukuyang problema sa paghinga (respiratory illness)



  Tumawag sa 811 upang makipag-usap sa nurse.

Kailangan mong kausapin ang nurse upang ipaliwanag ang iyong sintomas o nararamdaman. Maraming silang tawag na sinasagot kaya di maiiwasang maghintay ka ng kaunti.



Nakakaranas ka ba ng kahit na ano sa mga sumusunod na sintomas?

  •  Lagnat
  •  Ubo
  •  Kinakapos ng hininga
  •  Hirap sa paghinga
  •  Pananakit ng lalamunan
  •  Sipon



Mag self-isolate kaagad. Tumawag ka sa  811 para malaman kung kailangan ka ng itest para sa COVID-19.

Simula Marso 25, 2020, ang lahat ng nasa Alberta ay obligadong mag self-isolate ng 10 araw kapag nakarandam ng kahit anong sintomas ng COVID-19 ayon sa public health order.

Kung ang sintomas ay nawala bago ang 10 araw ng pag self-isolate, kailangan pa ring ituloy ang pag self-isolate dahil maaari pang makapanghawa.
•  Huwag pumumunta sa ospital, klinika ng doktor, laboratoryo, o kahit anong pasilidad pangkalusugan. Unahin muna ang pagtawag sa Health Link (811) upang kumonsulta.
•  Huwag pumunta sa pampublikong lugar.
•  Manatili sa loob ng bahay at huwag tumanggap ng bisita .
•  Huwag ipagamit sa iba ang personal na gamit gaya ng pinggan, baso, kutsara/tinidor, tuwalya, at iba pa.
•  Laging maghugas ng kamay.
•  Iwasan ang paglapit sa ibang tao, lalo na may sakit, mababa ang resistensya at mga matatanda (65 anyos papataas).

Kung lumala ang sintomas, tumawag uli sa  811 .
Kung tumindi ang mga sintomas at nangangailangan na talaga ng tulong medical, tumawag sa  911 . Sabihin na maaaring ikaw ay may COVID-19.
Ihanda ang mga sumusunod na impormasyon:
•  Pangalan
•  Tirahan
•  Telepono
•  Alberta Healthcare Number
•  Petsa ng kapangankan



Galing ka ba sa labas ng Canada o nakahalubilo ng tao na kumpirmadonng may COVID-19?

Noong nakaraang 14 na araw, galing ka ba sa labas ng Canada o nakahalubilo ng tao na kumpirmadonng may COVID-19?



Mag self-isolate. Hindi mo kailangan itest para sa COVID-19.

Simula Marso 25, 2020, ang lahat ng nasa Alberta ay obligadong mag self-isolate ng 10 araw kapag nakarandam ng kahit anong sintomas ng COVID-19 ayon sa public health order.

Kung ang sintomas ay nawala bago ang 10 araw ng pag self-isolate, kailangan pa ring ituloy ang pag self-isolate dahil maaari pang makapanghawa.
•  Huwag pumumunta sa ospital, klinika ng doktor, laboratoryo, o kahit anong pasilidad pangkalusugan. Unahin muna ang pagtawag sa Health Link (811) upang kumonsulta.
•  Huwag pumunta sa pampublikong lugar.
•  Manatili sa loob ng bahay at huwag tumanggap ng bisita .
•  Huwag ipagamit sa iba ang personal na gamit gaya ng pinggan, baso, kutsara/tinidor, tuwalya, at iba pa.
•  Laging maghugas ng kamay.
•  Iwasan ang paglapit sa ibang tao, lalo na may sakit, mababa ang resistensya at mga matatanda (65 anyos papataas).

Kung magkaroon ka ng sintomas ng COVID-19, gawin muli ang self-assessment na ito. Kung may iba ka pang tanong tungkol sa COVID-19, bumisita sa AHS.ca/COVID

Hikayatin ang miyembro ng pamilya na sumunod sa alintuntunin ng physical distancing.



Hindi mo kailangang itest para sa COVID-19. Sundin ang mga hakbang upang protektahan ang iyong sarili, pamilya, at ibang tao.

Lahat tayo ay may responsibilidad upang labanan ang pagkalat ng COVID-19. Ang mga sumusunod ay gawin upang protektahan ang iyong sarili at iba.
•  Sundin ang alituntunin ng physical distancing.
•  Laging maghugas ng kamay, gumamit ng takip sa bibig at ilong kung babahing o uubo. Iwasang hawakan ang mukha.
•  Obserbahan kung may sintomas ka ng COVID-19: lagnat, ubo, hirap sa paghinga, sakit ng lalamunan o sipon.
•  Kung magkaroon ka ng sintomas ng COVID-19, gawin muli ang self-assessment na ito. Kung may iba ka pang tanong tungkol sa COVID-19, bumisita sa AHS.ca/COVID

link