Ang patakarang ito para sa mga nangungupahan sa mga residential at mga mobile homes na hirap dahil sa COVID-19.
Ang patakarang ito ay nakabatay sa Ministerial Order na ipinahayag ni Service Alberta Minister Nate Glubish noong Marso 27, 2020.
Hindi pwedeng palayasin ang sinumang nangungupahan dahil sa hindi pagbabayad ng renta o utilities hanggang bago mag Mayo 1, 2020.
Hindi magtataas ng renta hanggat hindi pa tinatanggal ang State of Public Health Emergency sa Alberta.
Ang mga late fees ay hindi pwedeng i apply sa late na bayad sa upa hanggang Hunyo 30 at hindi pwedeng singilin retroactively sa panahong ito.