• Nakatira sa Canada, 15 anyos pataas, at tumigil sa pagtatrabaho o nawalan ng kita dahil sa COVID-19.
• Hindi ka boluntaryong umalis sa trabaho.
• Tinanggal ka sa trabaho o wala talagang oras na ibinigay sa iyo.
• Ikaw ay na-quarantine o nagkasakit dahil sa COVID-19.
• Ikaw ay di makapagtrabaho para alagaan ang iba dahil sila ay naka-quarantine dahil sa COVID-19.
• Ikaw ay di makapagtrabaho para alagaan ang mga anak o iba pang dependents dahil ang mga care
facilities para sa kanila ay sarado dahil sa COVID-19.
• Ang kita mo ay di bababa sa $5,000 sa taong 2019 o sa nakalipas na 12 buwan mula sa petsa na ikaw ay
nag-apply ng EI at / o Self Employment Income , Probinsyal o Pederal na benepisyo ukol sa Maternity o
Paternity Leave.
• Tumigil sa trabaho dahil sa COVID-19 at walang anumang kita na di bababa sa 14 na magkakasunod na
araw sa loob ng 4 na lingo ng saklaw na panahon.
• Patuloy na naka-empleyo pero hindi nakakatanggap ng anumang kita dahil sa pagkagambala sa kalagayan
ng kanilang trabaho dahil sa COVID-19.
• Hindi ka nag apply o tumanggap ng CERB o EI galing sa Service Canada sa loob ng nakatakdang panahon
na ikaw ay karapat dapat makatanggap.
• Temporary Foreign Worker (TFW) o international student na nakapasa sa eligibility requirement na
nakasaad sa taas.
• Ikaw ay nabayaran ng regular na benepisyo ng EI, kahit na 1 linggo lamang mula Disyembre 29, 2019 at
nasagad na ang iyong regular EI benefits.
• Ikaw ay seasonal o part time na manggagawa na huminto o hihinto ng pagtatrabaho nang 14 na
tuloy-tuloy na araw sa loob ng 4 na linggong panahon, ay dapat makatanggap ng benipisyo at/o inaasahang
tatanggap ng hindi lalagpas sa $1,000 na pinagsamang kita mula sa pinagtatrabahuhan o sariling trabaho.